Pamamaalam, atbp.

Una, mararamdaman mong nagmamahal ka.


Tapos, mararamdaman mong minamahal ka.


Tapos, mararamdaman niyong ayaw niyo nang matapos kung ano meron sa inyo.

Dito, dito mag-uumpisa ang lahat. Pano iingatan kung ano meron. Totoo bang kahit anong gawin niyong ingat, 'pag itinadhana, mawawala rin?

Nalulungkot ako. Surprisingly, dahil sa nalalapit na paggraduate ko. Nakakatakot na baka hindi ako payagan tumira kasama niya. Nakakatakot na baka mawalan ako ng oras sa kanya na hindi sinasadya. Nakakatakot na hindi niya ko maiintindihan at mapagod siya. Nakakatakot na maulit lahat ng nangyari sa nakaraan niya at sa nakaraan ko. Napagod. Nasaktan. Iniwan.

Pero gan'to nga siguro pag nagmamahal. Iisipin na natin lahat ng nakakatakot na mangyari upang maging handa tayo o para alam nating iwasan 'to. Sa puntong 'to, marami na kong naranasan sa mundo ng pag-ibig - totoo man o hindi, masakit man o hindi. Masaya magmahal kaso natutunan kong hindi mo maalis na kapag nagmamahal ka, masasaktan ka. Kelangan mo nga lang talaga mag-isip, kaya nga daw mas mataas ang utak kesa puso. Daphuck.

Narealize ko lang nitong nakaraang araw, hindi ko na kayang may mawala, may magpaalam. Either tungkol sa kanya na mahal ko o sa ibang tao sa mundo ko. Alam kong imposible. Unang una, graduation, taena, puno ng goodbye's ang magiging atmosphere nun. Pangalawa, generally, lahat ng tao sa buhay mo, darating at aalis. Sa limang taon sa kolehiyo, natutunan kong walang masama na makita ng iba ang kahinaan mo at hindi humihinto ang buong mundo tuwing nagddrama ka. Kaya pag may umalis, iiyak na lang ako at mag-mmove on.

Pero bago mangyari yun, iingatan kong hindi siya mawala - hindi sila mawala. Swear. Para masaya lahat :')