The need.

Kailangan kayanin kahit alam kong di ko kaya.
Kailangan maniwala sa konseptong di ko pinaniwalaan kailanman.
Kailangan maghintay habang patagal ng patagal ang pakiramdam ko sa paglipas ng oras.

Limang araw na mula ng huli ko siyang nakita.
Kailangan kong pigilan ang lungkot. Para na rin sa kanya. Kailangan.
Kailangan ko siya dito sa tabi ko.