Good morning PH!

Isang simpleng umaga tuwing off ko. Nagbbrowse ng FB News Feed. Puro may saltik na politicians o sakit sa puso na posts ang nakikita ko. Di ako nagbubukas ng TV tuwing umaga, dahil sandamakmak na mga balitang di kaaya aya o bunganga lang ni Kris Aquino ang iniiwasan kong masilayan ko.

Nakakalungkot. Sobrang nakakalungkot para sa bansang Pilipinas. Pero tuwing nakakakita ako ng travel blog posts, nakakalimutan kong wala nang pag asang umunlad ang Pilipinas. Nasasayang ang bigay ng Diyos, di nagagamit ng tama.

Puro pera kasi ang interes ng mga pulitiko dito. Di ko alam kung pano nila nasisikmura ang mga ginagawa nilang pagnanakaw sa mga tao.

Bago pa lang ako magtrabaho, kinokompute ko na kung magkano ang posible kong "asking". Sinama ko na ang tax na ibabawas sakin sa pagcompute. Tanggap ko noon kahit madami akong naririnig na nakakainis-ang-tax na reklamo tuwing pay day. Ang iniisip ko noon, Pilipino tayo eh, kelangan natin tumulong at bumawi dahil na rin sa UP ako nag aral at tax ng bayan ang pumuno sa binabayaran naming tutition.

Kaso wala. Taena. Nung nagkatrabaho na ko at sumabog ang isyu kay Napoles, nakakapanghina. Sayang ang buwan buwan na contribution ng isang empleyado sa bansa. Sayang ang tax na 12% na kung makapagstate ng percentage ay daig pa ang ibabalik mo sa Diyos. Sayang ang tax na binabayaran ng mga kumpanya na itinayo ng ibang bansa, mga taong nag invest at nagtiwala sa mga empleyadong Pilipino. Sayang.

Sunod na masakit sa puso ay ang tungkol sa MRT. Though di ako apektado ng pagkasira halos araw araw ng tren, nalulungkot ako para isipin na ang mga gumagamit ng suicidal element na ito ay nga empleyado at estudyanteng nag aaral upang magkaroon ng magandang trabaho. Mga empleyado at future empleyado na magccontribute para sa fund na ipambibili ng mga kotse o mansion ng mga pulitiko. Magtitipid sila at pipiliting makapasok sa oras, pero waley, kontabida ang MRT para sa goal nila tuwing umaga. Nakakainis.

Isa pang napakagaling na ibinabalita at ang tungkol sa Yolanda victims na di natanggap ang buong donation ng ibang bansa. Rawr. Bakit nasa tent parin sila?! Mag iisang taon na. Kung kukurakutin nito ang mga donasyon para sa kanila, kahit yung galing na lang sa tax namin. Wag na yung galing sa ibang bansa. Nakakahiya kayo amp.

Too much bad vibes para sa isang umaga. Ayoko na. Sorry sa napanuod ko kagabi na mga nagrrally na nagsasabing buksan ang aming mga mata. Bukas tong mga to, pero kelangan naming magtrabaho araw araw para makapagcontribute ulit sa pondong para sa mga may saltik sa gobyerno.

Pasensya na din sa nagbabasa ng blogsite ko para makibalita sa love life ko, wala lang akong mapagbuhusan nitong inis ko.