Noctiphobic

Filed for 6 working days.
Requested to be in graveyard shift for another month.

Di ko na alam kung paano tatakasan ang lungkot.

Off ko ngayon at kung anu ano naiisip ko. Takot na takot na ko sa gabi at sa sarili kong utak. Na pag pinagsama pa ay tila unti unti akong dinudurog.

Malulungkot na bagay tuwing kalaliman ng gabi.

Sa mga oras na nangyayari ito, paulit ulit akong pinapatay. Yung mga mata ko, natutuyuan na sa kakaiyak. Yung puso ko, gusto kumawala sa kulungan. Wala na siyang kalayaan mahalin ang taong gusto niyang mahalin. Yung utak ko, sinisira ang sarili niya sa mga bagay na kusa niyang naiisip. Ako? Hinang hina na. Pagod na pagod na. Sobra sobrang nasasaktan na.

Paano ko tatakasan ang lungkot na ito?
Gusto ko marinig ang boses niya.
Gusto ko siyang mayakap.
Gusto ko siyang makita.

Pero ayaw niya. Ayaw ng lahat.

Iyak ng puso ko ang naririnig ko.
Kalungkutan ang yumayakap sa akin.
Kamatayan ang nakikita ko sa salamin.

Gabi gabi akong pinapatay ng pagmamahal na bumuhay noon sa'kin.