Hapong maaraw ngunit walang liwanag
Nakakapagod mag isip.
Nakakapagod umasa na babalik ka sa akin.
Nakakapagod umiyak.
Nakakapagod maalala lahat ng pinagsamahan natin.
Mahal, ano nangyari sa atin? Minahal ko non bakit nagawa mong itigil lahat? Pahintuin mga oras na masaya tayo. Na saktan ako sa bawat galaw at salita mo. Mahal, bakit ayos ka na? Bakit ako hindi pa? Hanggang ngayon di ko maintindihan pano mo nagagawa lahat sakin to. Wala akong ginawa kundi mahalin ka. Wala akong ginawa kundi ibigay ko sayo lahat ng makakaya ko para sumaya ka lang. Mahal? Mali bang magmahal? Nagsayang ka lang ba ng oras? Ginago mo lang ba ko sa loob ng 2 dalwang taon? Pinaniwalang minahal mo ko. Pinaniwalang dapat kang mahalin.
Pano ko mamahalin sarili ko kung hindi ko nga makita sa ibang tao na importante ako? Ang sarap magpakapagod sa trabaho. Yung di na ko matutulog at kakain. Hanggang magkasakit ako. Hanggang mamatay ako.
Takot ako mag isa. Takot ako maramdaman na wala akong masandalan. Takot ako maramdaman na wala akong kasama sa bawat galaw ko.
Sabihin niyo sakin na may Diyos. Tang ina. Hindi ko siya maramdaman. At sa tuwing nararamdaman ko? Alam kong may kukunin din Siya sa mga susunod na araw. Akala ko makapangyarihan ka? Kasama ba sa powers mo na saktan ako ng paulit ulit?
Sa tuwing nasasaktan ako, nababawasan pagkatao ko. Nauubos ako. Ubos na ubos na. Pano pa ko aasang may magmamahal nga sakin? Sino ang magmamahal sa taong di na marunong magmahal ng kahit sino?
Bakit ko kailangan masaktan? Ganon ba ako kasamang tao? Mas masama mga minamahal ko, pero ba't sila ang masaya?! Hindi ko na alam pano mawala itong sakit na nararamdaman ko paulit ulit. Mamatay na lang sana sila. O mas mabuti, ako na lang sana ang mamatay. Sana.
Paulit ulit umiiyak.. Nasasaktan.. Nakakapagod. Wala akong ginawang masama sa kapwa ko para parusahan ako ng ganito. Sobrang sakit. Nakakagago. Pano ako maniniwalang mahal ako ng Diyos?
Ayoko ng buhay ko ngayon. Ang daming dahilan para magpakamatay. Wala akong maisip na dahilan para magpatuloy sa mga susunod na oras.
Oo, ito ang mga naiisip ko ngayon. Madilim? Oo, kasing dilim ng mundo ko. Wala akong makitang kasama. Mag isa lang ako. Gusto ko pumatay ng tao. Yung sarili ko.