Lahat ng sakit sa loob ng puso ko
I was reading something then in just a minute, all of those pain 9 months ago went back to me.
I was about to tweet for people to stop me from grabbing my laptop before I could I write an entry like this but the pain inside/ I cannot contain all of it. And of course, I am alone here inside this four walls.
I just tweeted an hour ago a selfie saying that I was happy and did not know why, but at this very moment, tears just keep on falling. Silent sobs do not stop from producing echoes in this room.
Nine months.
Last Valentines day, I finalized that I will write this most awaited entry of goodbye but I could not write any and decided to just have this by May this year. But I am just too broken now. I hope Nanay cannot feel anything right now as her mother's instinct has been already tested years ago.
I am just crying this off.
I wish my eyes won't leave any trace of this melancholic minutes as I have work later this evening.
Nine months.
Huli kitang nakausap nung gabi na yon. Madaling araw. Galing akong trabaho. Nagbakasakali na papatawarin mo ko sa ginawa ko sayo nung gabi bago yon.
Sinaktan kita, pisikal. Nung gabing yon, bumalik sakin ang dahilan kung bakit ayaw sakin ng mga kaibigan mo. Alam nila kung pano ko sinaktan yung unang babae na minahal ko. Takot sila na baka gawin ko sa'yo iyon. Hindi sila nagkamali. Sinaktan kita.
Alam ng Diyos. Wala akong ginawang masama sayo bukod sa mga pagkakataong nasaktan kita. Mahal, hindi ko alam kung paano iparamdam pa sayo ang sakit na nararamdaman ko noon para tigilan mo na lahat ng ginagawa mo para masaktan ako. para magising ang halimaw sa loob ko. Para hindi mangyari ang mga bagay na naging dahilan pa kung bakit naramdaman kong nagkulang ako kahit alam kong sobra sobra pa sa pagkatao ko ang naibigay ko sayo.
Sinaktan kita. Pero hindi ako iyon, Mahal. Hindi ako iyon. Alam mo kung gaano kita minahal. Alam ng Diyos kung paano kita minahal. Alam ng Diyos kung paano ko Siya tinalikuran sa pang ilang pagkakataon dahil dumating ang araw na mas mahal na kita kumpara sa Kanya. Alam ng Diyos kung paano ako nagalit sa Kanya dahil inaalis ka Niya sa buhay ko. Alam ng Diyos kung gaano ko winasak ang sarili ko na binuo lang Niya ulit pagkatapos masira yung ako na nagmahal sa babaeng minahal natin. Alam ng Diyos kung ano dahilan ko kung bakit hanggang ngayon, takot ako pumasok ng simbahan.
Alam ng Diyos lahat. Lahat Mahal. Lahat ng naramdaman ko - saya, pag-ibig, pagkabaliw, pagkawindang, galit, lungkot at pagkawasak. Alam Niya lahat.
Ngayon, gusto ko malaman mo na sa loob ng siyam na buwan, may mga pagkakataong nalungkot ako. Pero alam mo, mas marami yung saya ko. Minsan, pinipilit ko. Pero at least di ba, mas okay ako ngayon.
Hindi ko gusto na isipin mong tamang iniwan mo ko. Na tamang nagkasakitan tayo. Na tamang nagkakilala pa tayo.
Oo Mahal. Sana hindi na lang kita nakilala.
Dahil sa inyong dalwa na minahal ko ng ganon, nag-iba pananaw ko sa pagmamahal. Na hindi totoo. Na walang pag-ibig na sasapat para sa dalawang taong nagmamahalan. Laging kulang. Laging magkukulang.
Pero salamat din sa huwad na paraiso na pinaramdam mo sakin. Siguro dun ako masaya. Sa bulaang mundo. Kung saan hindi mo ko masasaktan. Kung saan hindi mo ko mapapasaya. Kung saan hindi mo ako maloloko.
Oo Mahal. Niloko mo ko. Niloko mo ko sa bawat pagkakataon na sinabi mong mahal mo ako. Na hindi mo gusto ang p*tang iyon. Na hindi mo gusto na saktan mo ako. Niloko mo ko.
Pero tignan mo naman, ako ang sobrang guilty. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa loob loob ko, sarili ko ang sinisisi kong may kasalanan.
Never I will admit this again and I will say it once (though recorded in WWW)
Alam ko, nagkapilitan lang tayo. Napilitan ka lang na mahalin ako.
Wag mo sabihing hindi ko alam. Pero nung araw na naramdaman ko na mahal na kita, hindi na kita pinakawalan kahit ilang beses mong tinangkang itigil na lahat. Nakakatawa Mahal, pero oo, aware ako na sa lagpas tatlong taon nating pagsasama, hinayaan ko ang sarili ko malulong sa paraisong gawa ng kasinungalingang pagmamahal mo sa akin. Na napilitan ka lang.
Tama ba ko? Kasalanan ko lahat ito. Dahil doon, humihingi ako ng tawad.
Sana huli na ito.
Sana huling beses na akong iiyak ng dahil sa iyo.
Sana huling beses na akong masasaktan sa tuwing naalala kita.
Nine months.
Mula noong huli tayong nagkausap. Nagmakaawa akong patawarin mo ko sa mga nagawa ko sayo. Ngayon uulitin ko. Pero at least, ngayon, medyo buo na ako. Patawad Jona.
Mula nung huli kong narinig sa yo ang pangalan ko, "Umalis ka na Merryl. Ayaw kitang makausap. Ayaw kitang makita."
Mula nung naramdaman ko ang pagkasuklam mo sa akin. Sa halimaw na nagising nung mga panahong iyon.
Siyam na buwan.
Mula nung nagdesisyon akong ayako na. Siguro nagkulang nga ako, kahit alam kong sobra na ang naibigay ko. Nagdesisyon akong alisin ka na sa buhay ko.
Masaya ako. Kahit patuloy kong nararamdaman ang mga luha ko ngayon.
Hindi na galit ang nararamdaman ko, kundi pagmamahal na sa sarili ko. Kaya sana maintindihan mo na ayaw na kitang makita kahit kailan Jona. Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa parte ng utak ko na responsable sa tuwing naalala kong nag-exist ka sa buhay ko.
Pero uulitin ko, masaya na ako ngayon. Totoo. Sana ikaw din :) Mag-ingat ka.