Takip silim
Takip silim sa mundo mo
Noong una tayong nagkita
Takip silim sa mundo
Kung saan tayo nagkakilala
Nang ako'y lumisan
Dala ng araw ng lumubog
Ang init ng pag-ibig ko
Na pinilit kong itinago
Mula sa malamig mong puso
Dala ng araw na lumubog
Ang liwanag ng ngiti ko
Na pinalitan ng galit at pagkapoot
Iniwasan ang dilim ng pagkabigo
Dala ng araw na lumubog
Ang lawak ng maaring ihandog
Na batid kong magkukulang
At pag-iwan ang isusukli mo
Takip silim
Huling halik ng araw
Unang halik ng buwan
Malamig, madilim, mag-isa.
Noong una tayong nagkita
Takip silim sa mundo
Kung saan tayo nagkakilala
Nang ako'y lumisan
Dala ng araw ng lumubog
Ang init ng pag-ibig ko
Na pinilit kong itinago
Mula sa malamig mong puso
Dala ng araw na lumubog
Ang liwanag ng ngiti ko
Na pinalitan ng galit at pagkapoot
Iniwasan ang dilim ng pagkabigo
Dala ng araw na lumubog
Ang lawak ng maaring ihandog
Na batid kong magkukulang
At pag-iwan ang isusukli mo
Takip silim
Huling halik ng araw
Unang halik ng buwan
Malamig, madilim, mag-isa.