I am still alive alert awake enthusiastic!

I am supposed to work on my prob set at this time as I wait for my Tatay. Pero I found myself reading my old site. Yep, I have other sites - actually, 3 hidden sites - one during the Ex1 era, one during the Batman era and another one when Ex2 was assigned sa Cebu. Hahaha. Okay, buti na lang may Outlook nung CG era :)))

Anyway, belated hearts day. Sabi ni facebuko sa twitter, Hearts Day ang tawag ng mga taong may puso sa Valentines day. May puso naman ako. Yep, hindi ako mabait tulad ng typical na babaeng sweet and nice, pero may puso ako. Duh.

Well, why am I here nga pala. Wala lang. Patay oras na di naman dapat pinapatay kasi may dapat gawin. Pero just to ease myself kasi kating kati na ko magshare dito sa non-living friend ko, eto na, I will write my first entry for this year - yep, a day after Hearts day. Maygad.

First, to update you with my life - 3 and half months na kong unemployed. Combination ng ang pili ko na sa company (kase ayoko na ulit magresign), countless rejections and tinatamad somehow. Hehe. Pero di OA na tinatamad. Takot lang sa rejection, so defense mechanism ko yung mej tamarin. Para sa taong atelophobic, imagine the rejections during the period ng paghahanap ng trabaho. At excuse na kung excuse, pero nag intense job hunting lang me ay this January, intense as in panic mode ganon. Haha. Well, my parents have been always somehow supportive with my life decisions. Supportive in a way na hahayaan lang nila ako gawin ang mga bagay bagay. From decisions sa love life, sa college life, sa employment life hanggang sa life in general, never silang nagdikta. I don't know kung good thing 'to, pero I assure you, they are surely there whenever I need them. Of course, at least alam ko, next work, yun na yung for life ko kasi yun ang dinadasal ko. Hay,

Second, yep enrolled pa din ako for this sem. Isang subject lang ulit, because madaming reasons. Haha. Well, Aryan and Yuichi know it, so enough naman na siguro yon. Tapos yung teacher ngayon, di ko maiwasang icompare sa previous professors ko. Huhu.

Third, since January 08, I am not physically okay. Coughs all the way, tapos lalagnatin tapos nagkacolds na din, tapos nawala lagnat, tapos headache from time to time, tapos lagnat ulit. Every January ata talaga nagkakasakit ako pero intense this year, antagal na nga sakit ko :( Di ako nagpapacheck up. Natatakot ako kay Kuya.

Fourth, highschool barkada palang nakikita kong mga tao aside from my family. Miss ko na ang Mitches (big time, bes imagine, 3 years ko silang kasama araw araw), Xises (forever drawing ang Elbi getaway, feeling ko mainly ako ang dahilan eh, second lang si Joseph haha), College beshies (magkikita daw on Sunday, so check natin kung matutuloy kase, seryoso, hassle tapos kasama daw ata si Ex1 and for some personal reason na nag-arise lang recently), SAM-UP lineage (hay. wala kasi akong fb kaya ewan) and then kelangan ko na kitain sina Darwin, Jers, Ann, Dadi Glex and Mami Jessa. Introvert yep, kaya big deal sakin ang meet ups. 

Fifth, di pa rin ako nagddrive mag isa. Though kaya ko na magdrive around Marikina. Grabe ang trauma no? Dedicate ko yung mura ko for this month sa magsasabing ang arte ko. Dude, u don't know what I am feeling. And another thing, ako assigned magasikaso ng birthday ni Lola. Um, stress? Yezzz.

Sixth, naaadik ako sa Dragon Ball. Saktong adik. Pero sana talaga nadiscover ko siya nung tapos na yung series. Naiinis ako seryoso na nagaantay ako ng one week just to watch the next episode. Nagaantay ng Movie 21 ng Detective Conan. Bukod sa I Dare You series, yung Valentine Vid ni Ryan this year, di ko kayang panuorin ulit. Hahaha seloooos :)) Ayoko na takbo ng Encantadia. Antay ng teleserye nina Alden at Maine na sana di ko pagsawaan agad. Buhay Fangirl. Unfortunately, ganyan trip ko, anime and something nice. Ummm.. don't expect me sa Kdramas na usong uso ngayon pero wala akong pake. Una, ayoko ng mainstream and pangalawa, love stories yon so no na lang. Mejo maarte ako sa mga love stories - movie or series, dapat ramdam kong fiction lang yung story. Kase madali akong madala. Believe me. Hahahaha.

Seventh, last January nagstart magsimba si Nanay sa The Feast. Sobrang saya na kasabay ko na ulit siya magsimba. Well, di siya big deal sa ibang issue pero yung nanay ko mismo ang nag-iba ng simbahan (religion) sobra ang impact sa kin. Kaya imagine yung parang bigat ng dinadala ko nawala na.

Ang daming natakbo sa utak ko no. Haha. That explains bakit di ako nakakatulog ng ayos, hence number 3, pag naalimpungatan ako, yung number 1 ang magpplay sa utak ko so kukunin ko either phone or tablet ko for number 6 para madistract, tapos maaalala ko number 4 tapos biglang papasok ang number 2 at 5, tapos pipiliting matulog pero sobrang sakit ng ulo ko tapos torture with number 6 ulit hanggang makatulog. Ramdam mong may mali na sa takbo ng buhay pero iisipin ko lang yung number 7, smile na ulit haha. 

Pero keri lang. Kung hinihintay niyong sabihin kong nagsisisi ako na nagresign ako, well, mag antay ng forever. Iniisip ko palang kung papasok ako today (kahit anong araw) di na ko masaya. Yung buti na lang nagresign ako. Andami masyadong magandang nangyari sa nakaraang tatlo at kalahating buwan para ipagpalit ko yon sa previous work ko.

Chill, promise, pag may trabaho na ko, magsusulat ako ng lahat ng tungkol sa pagresign ko. As in lahat, para maka move on na din ako. You know me, big help sakin pag nailabas ko ang saloobin ko dito sa blog. So makakamove on lang akong tuluyan from BTI pag may kapalit na. Ganon naman lagi di ba? Rebound. Pero bes, miss ko na yung mga kaibigan ko don, sobra. Yep, kasama si ano hehe (lande Meh)

So dapat talaga tungkol sa mga taong minahal ko ang post ko na ito. Pero masyado nang mahaba pag dinugtong ko pa dito. I am currently thinking to write another entry tonight about them. Let's see. Depende sa mood ko. 

Ayun, update lang talaga na buhay pa ako.. and even tho may mali sa takbo, masaya naman sa buhay :)