Lungkot
Alam mo yung lungkot na nasa loob lang?
Yung di mo mailabas?
Yung di mo maiyak?
Yung di mo maisulat?
Yung di mo maikwento?
Yung di nawawala?
Yung di mawawala?
Hanggang sa gustuhin mong mawala na lang?
Alam mo yung lungkot na wala lang?
Yung wala raw halaga?
Yung hindi sineseryoso?
Yung walang dahilan?
Yung hindi raw totoo?
Yung walang nakakaintindi?
Yung hindi iintindihin?
Hanggang maniwala ka ngang wala talagang halaga?
Alam mo yung lungkot na sa iyo lang?
Yung ayaw mong makasagabal?
Yung ayaw mong makaistorbo?
Yung ayaw mong makaepekto?
Yung ayaw mong magpaliwanag?
Yung ayaw mong magpasagip?
Yung ayaw mong masagip?
Hanggang sa malunod ka nang di nila nalalaman.
Yung di mo mailabas?
Yung di mo maiyak?
Yung di mo maisulat?
Yung di mo maikwento?
Yung di nawawala?
Yung di mawawala?
Hanggang sa gustuhin mong mawala na lang?
Alam mo yung lungkot na wala lang?
Yung wala raw halaga?
Yung hindi sineseryoso?
Yung walang dahilan?
Yung hindi raw totoo?
Yung walang nakakaintindi?
Yung hindi iintindihin?
Hanggang maniwala ka ngang wala talagang halaga?
Alam mo yung lungkot na sa iyo lang?
Yung ayaw mong makasagabal?
Yung ayaw mong makaistorbo?
Yung ayaw mong makaepekto?
Yung ayaw mong magpaliwanag?
Yung ayaw mong magpasagip?
Yung ayaw mong masagip?
Hanggang sa malunod ka nang di nila nalalaman.