Rosas

Isa akong rosas na may halimuyak

Isa akong bulaklak na tila ba gustong pitasin
Ng kahit sinuman, na mapunta kaninoman
Ni hindi iniisip ang sakit na naranasan
Sa mga taong inakalang tama

Isa akong rosas na may tinik

Isa akong bulaklak na tila ba ayaw magpahawak
Sa kahit sinuman, sa kahit kaninoman
Ni hindi iniisip ang sakit na tiniis
Ng taong nagtangkang humawak sa akin

Isa akong rosas na may ganda

Isa akong bulaklak na tila ba alam ang kanyang halaga
Hindi para kahit kaninoman, kundi para sa sarili
Hindi iniisip ang sakit sa araw-araw ng paggising
Para sa mga taong mahal at mahalaga sa akin