1.5

Isa't kalahating taon
Isa't kahalating pagmamahal
Isa't kahalating ngiti
Isa't kahalating akin

Isa't kahalati
Pagmamahal, ngiti, akin
Walang katapusang pasasalamat
Sa pag-ibig na di masabi
Sa sayang araw-araw na idinulot
Sa oras na inilaan sa akin

Isa't kahalati
Tila ba sobra ngunit kulang

Pagmamahal na lubos
Pagmamahal na hindi alam

Ngiting wagas
Ngiting itinatago

Sa akin habambuhay
Sa akin hanggang kailan

Isa't kahalating taon
Isa't kahalating walang hanggan
Isa't kahalating habambuhay
Isa't kahalating.. pusong nagmamahalan.