Nakakatakot
Nakakatakot
Nakakatakot
Hindi ko alam anong trigger ko kanina
Basta alam ko lang sobrang saya ko
Tapos alam kong hyper na ko
Tapos alam kong may mania na
Tapos naiyak na ako..
Sa sobrang di ko macontain emotions ko
Nakakatakot
Umiiyak ako tapos seryosong nagdilim paningin ko
May humihila sakin sa binatana
May tumatawag sakin kung nasaan ang mga patalim
Nakakatakot
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang emosyon ko
Hindi ko alam bakit bigla akong umiiyak na lang
Hindi ko alam saan nanggaling yung pakiramdam na gusto ko na lang mawala
Hindi ko alam bakit naranasan ko yung takot na yun
Nakakatakot
Sana hindi na maulit