Balik sa Dati
Nakakalungkot
Sa simpleng hindi paginom ng gamot
Gumuho ang mundo ko
Hindi ko na ulit mahal ang sarili ko
Wala na naman akong rason para mahalin sarili ko
Trenta anyos pero oo
Ganito pa din pinagdadaanan ko
Araw araw lumalaban sa mga bulong ni kamatayan
Araw araw lumalaban sa sariling ayaw lumaban
Isang araw, gumising na lang ako
Na marami na namang tanong
Oo, umulit tayo sa ganito
Wala ba talagang karapatang
Magmahal at mahalin
Ang taong di marunong magmahal sa sarili?
Nakakatuwa pa din
May pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa akin
May trabahong gusto at mahal ko
May Diyos na di sumusuko sa akin
Yun lang
May sarili akong kailangang maintindihan
Dahil trentang taon na kaming magkasama
Ngunit hindi ko pa din magawang mahalin