Panaginip.

Unang entry sa Tagalog.

Ang mga panaginip, hindi ko mainitindihan. Hindi ko malaman kung ito ay nagsasabi ng kinabukasan. Masaya. Malungkot. Nakakatakot. Naiparamdam na sa akin ito ng panaginip. Panaginip. Isang bagay na hindi naman totoo pero nabubuhusan ko ng matinding emosyon.

Ang mga panginip ko na siya ang nakikita ko, kakaiba. Tila ba may mga pahiwatig. Pero kadalasan, ito ang mga gusto ko o kailangan mangyari. 

Bago mangyari ang tatlong linggong iyon, nakita ko ang mga pangyayaring iyon sa panaginip. Ngayon, kung ano man ang mga nakikita ko sa panaginip, sana mangyari. Magalit ka man o hindi. At least, tapusin mo. Kailangan ko ne'to. 

Yakap mo man o muhi ang sumalubong sa gusto kong mangyaring pagtatapos, wala akong pakialam. Kausapin mo lang ako. Nahihirapan na kasi ako. Ayoko nang lumuha ng dahil lang sa panaginip. Katotohanan ang gawin mong huling regalo sa akin.

Wake me up when September ends.