Kaarawan.

Araw kung kailan mo mararamdaman lahat ng kagandahan sa mundo.
Araw kung kailan mo makikilala lahat ng nagmamahal sa'yo.
Araw kung kailan mo malalaman na mahal ka nga ng Diyos.

Pero masasabi kong kahit sa mga ordinaryong araw, ramdam ko pagmamahal ng mga nakapaligid sakin. Masaya. May kilig. Overwhelming. Masarap.

Pamilya. Kaibigan. Diyos.
Mga nilalang na kailangan mo para mabuhay. Para makaraos sa bawat taon mo bilang tao.

Dalawampu't isang taon na kong nabubuhay.
Buti na lang, narealize kong pagiging masaya ang dapat kong gawin habang nabubuhay.
:)