Paglalayo.

Lahat nga naman natatapos. Ba't ba minsan, nakakalimutan ng mga tao ang ideyang ito?

Lahat ng bagay ay temporary lang. Parang ngipin lang. Yung mga milk teeth mo nung bata ka, wala na. Kahit sa simpleng lupang tinatapakan mo ngayon, bukas, o baka kahit mamaya lang, iba na.

Malamang ikokonek ko na naman yan sa pag-ibig. Sabi nga nila, "Love makes the world go round." Lahat daw tungkol sa pagmamahal. So ayun, sinasabi ko ring sa pag-ibig, lahat nagbabago. Lahat nawawala. Lahat nagpapaalam. Lahat natatapos.

Minsan, iniisip ko na lamang na sana mag-sawa na ko kung ano man ang ginagawa ko ngayon. Kung ano meron sa min ngayon ng taong dahilan ng pagngiti ko ngayon, dahilan kung bt masaya ang bawat umaga ko at dahilan ba't excited ako sa bawat araw. Para hindi masakit pag nawala na kung anu man ang meron. Oo, nakakabawas sa nararamdaman ko ang paniniwalang manhid ako. Pero masakit pa din. Ayoko na nang nagpapaalam. Ayoko na nang may natatapos.

Sabi niya, dapat kasi daw mangyari yun. Na magkalayo sa'kin. Dahil magulo daw. Paksh*t.

Wala naman na kong magagawa sa gusto niya. Masaya kami, oo. Gusto naming magkasama, oo. Pero kailangan maghiwalay. Hindi ko alam kung san kukuha ng mga statements para ma-prove na lohikal ang gusto niyang mangyari. Basta ang alam ko, hindi ko siya pagmamay-ari para baguhin kung anuman ang gusto niya.

Gusto ko maging masaya sa bawat segundong magkasama kami. Yun ang ginagawa ko dahil ayaw kong panghinayangan ang oras na kasama ko siya. Gusto kong maging masaya ang mga ala-ala naming maiiwan sa isa't-isa.

Ayokong matapos ang kasiyahang nararamdaman ko, pero sabi nga niya, kailangan daw -- Kailangan matapos. Ideyang sana ay magbago.