Makasalanan ako.
Nagbabago ang lahat. Pero ang mga tao, ganun pa din.
Tumatanda na nga ako. Kitang kita ko ang pagbabago sa nakakapaligid sa'kin. Tulad ng Mahal na Araw.
Dati, walang palabas. Kung may palabas, puro tungkol kay Papa Jesus. Kung hindi tungkol sa kanya, palabas na may mabuting aral. Basta yung masarap tulugan? Pero ayaw mong tulugan, kasi alam mong maganda yung palabas. Tutulugan mo, kasi masarap matulog, dahil tahimik ang paligid. Ramdam niyo ba yun?
Dati, walang commercials. Natutuwa nga ako pag napapansin ko yun. Dati. As in walang mga tv ads ng kung anu-anong produkto. Kaya magiging updated ka lang sa lahat ng palabas ng istasyon na pinapanuod mo kasi puro palabas nila ang nasa commercial break.
Dati, kaya kong magpenistensya. Walang FB ng buong buwan. Walang cellphone ng buong Holy Week. Walang karne ng buong Lent. Ngayon, ewan. Di ko alam kung ano nangyare.
Dati, may Pabasa dito sa street namin. Minsan nga noon, kami ang taga-luto ng sopas na memeryadahin ng mga taga-kanta. Tapos minsan, si Nanay, sasali. Tapos pipilitin pa ko na kumanta din.
Dati, napunta kame sa Simbahan. Binibisita yung Blessed Sacrament. Tapos babasahin yung mahabang prayer na nasa mga luhuran ng simbahan.
Dati, tuwing Biyernes Santo, nagpprusisyon kami. Ngayon, hindi daw. Dito ako pinakanalungkot. Si Nanay kasi lagi kong kasama dito. First time na hindi kami sasama ngayon. Dahil sa kadahilanan na hindi ko mahanapan ng mali. Kanya knayang paniniwala nga siguro. Sobrang nalungkot ako. Parang kulang tuloy Holy Week ko. As in kulang.
Nabanggit kong dumalas ang hindi ko pagsimba last year. Kaya pinipilit kong hindi magskip ngayon. Masarap sa pakiramdam tuwing nagsisimba. Yung pakiramdam na hindi Niya hinahayaan na mapalayo ako sa Kanya. Kahit anong kasalanan ko. Kahit anong ginagawa ko na alam kong nagpapalayo sakin sa Kanya.
Matagal na din akong hindi nakakapagKomunyon. Mga isang taon na ata. Ewan. Nahihiya kasi ako. Ramdam kong napakadumi ko para tanggapin yung Banal na bagay na yun. Ang dami kong kasalanan.
Dagdag pa ang ginigiit ng lipunan na mali ang pagmamahal na ginagawa ko. Alam ko sa puso kong hindi. Kaya araw-araw kong ipinagdadasal ang tungkol dito. Alam kong naiintindihan ako ng Diyos tungkol dito. God is love. I know, He will definitely understand me. Us.
Sorry. Yun lang ang gusto kong sabihin sa Diyos ngayon. Taon-taon, inaalala natin kung paano Siya naghirap para sa'tin. Pero ano tayo ngayon? Makasalanan parin.