Tumawid.

Napanuod niyo na ba yung movie ni KC Concepcion at Sam Milby na may linya na,

"Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong mawawala din sayo?"

Mahirap kung iisipin. Alam mo namang matatapos din, bt papahabain pa di ba? Gagawin mo ang lahat para di matapos -- lahat, lahat ng pwedeng gawin para lang walang mawala, walang matapos. Pero sa huli, useless.


Pareho ng pagtawid sa tulay. Alam nating may umpisa at wakas. Ano mangyayari kung tumalon tayo at di tapusin ang pagtawid dito? Wala. Nag-aksaya lang tayo ng oras.

Masakit nga lang. Siguro, ang magagawa na lang natin ay maghanda sa pangyayaring 'to.