Torture
Gigising ka ng una mong maiisip, mag isa ka.
Hindi makatulog sa takot na gumising.
Paulit ulit na dinudurog ng isip mo ang puso mo. Iiyak ka dahil kelangan mong ilabas sa ang hirap na nararamdaman pero walang mangyayari. Mapapagod ka lang.
Nakailang beses nang dumaan sa ganito. Inakala kong dadali na ang makatakas sa sakit na nararamdaman. Pero hindi, lalaong humihirap. Mas lalong nakakamatay.
Mas matanda na ko. Nagtatrabaho. Mas maraming responsibilidad ang kelangan unahin kesa sa lungkot na pilit na pumapatay sa kin. Ang hirap. Ang hirap hirap.
Sa isang araw, nagbago na ang lahat. Pati siya. Lalo akong nahihirapan. Pinapahirapan ng mga ala alang di na lang sana nangyari. Ang sakit. Sana mamatay na lang ako. Sana hindi na ko magising.
Hindi ko alam kung san niya hinuhugot ang lakas para pahirapan ako ng ganito. Ayokong maniwala sa mga nangyayari. Pero pati sa pagtulog ko, kinakain ako ng masasamang panaginip - mukha niyang galit na galit, tingin niyang walang pagmamahal.
Pano ako tatakas? Pano pa ko magpapakamanhid? Ayoko na.
Sa isang iglap nawala ang lahat. Nakaramdam ng selos dahil sa matinding takot na mawawala ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko -- eto ang nangyari, nawala siya sa kin. O, ako ang itinanggal niya sa buhay niya.
Kung may taong galit sakin, patayin niyo na ko. Salamat.