Unloved, alone and dead.
Hello.
Hindi ko alam kung ano maisusulat ko dito. Pero puno ng lungkot ang puso ko.
Mag-isa akong natulog noong isang gabi. Sinamahan ng kasintahan ko ang kaibigan niya. Buong araw. Hanggang pagbalik ko ulit galing trabaho, wala siya.
Ang kaibigan niyang yon ay isa sa mga nagugustuhan niya. Crush ng bayan. Maganda. Cute. Nagseselos ako sa kanya. Selos na selos na onti pa at makakapatay na ko.
May problema daw kaya sinamahan niya. Ako, iniwan niyang mag-isa sa tinitirhan namin. Nakaplanong uuwi siya ng Calam ba ngunit hindi niya tinuloy dahil sabi niya di raw niya kayang isipin na mag-isa akong matutulog ng gabing yon.
Namatay ako ng gabing yon. Daig ko pa ang naagnas na katawan sa lungkot na nadama ko nung gabing iyon. Kasama ang isang bote ng beer, pinilit kong maging manhid sa sakit na nararamdaman ko. Namatay ako ng gabing iyon.
Nagawa ko na naman ang ayokong mangyari sa buong buhay ko. Sinaktan ko na naman ang sarili ko. Siya? Hindi ko alam kung pati siya nasaktan. Paulit ulit kong tinanong kung minahal niya ba talaga ako. Dahil nung gabing iyon, di ko naramdaman. Daig ko pa ang lupa sa walang pandama.
Busy siya. Nasira kasi ang phone niya. Lalo kong naramdaman na maraming mas importante sa buhay niya bago ako.
Ayoko pero naawa ako sa sarili ko. Di ko magawang iwan siya kahit sobrang sakit na. Siya, ramdam kong gusto na niyang lumayo lalo na sa nakita niyang ibang pagkatao ko. Sira. Wasak. Baliw. Madahas. Patay.
Sana kaya ko ring magpakamatay. Tulad ng ibang tao. Sana kaya kong gawin to para di ko maramdaman ang lungkot at sakit. Pinipilit kong magpakamanhid. Pinipilit kong di maramdaman ang lahat.
Pinagtanggol niya ang crush niya. Pinagtanggol din siya ng isa pa nilang kaibigan. Lalo akong naawa sa sarili ko. Ako wala, wala akong kakampi.
Inisip ko kung nasan ang mga kaibigan ko. Oo kaunti lang sila. At lahat sila literal na malayo. Tawag? Di ko alam.. nalaman kong ayoko rin magshare.
Siguro dahil namulat ako sa maling ibig sabihin ng kaibigan. Nakakaawa. Wala akong matakbuhan, wala akong kakampi. Mag-isa ako sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na lang mamatay.
Gusto kong maayos ang sa amin. Ngunit tila siya na ang may ayaw. Nasasaktan niya raw ako. Oo masakit lahat. Hindi ko alam kung makakaramdam pa ko ng higit na sakit dito.
Narealize kong ako ang may problema. Sabi nga nung isa, praning lang daw ako. Pero wala ni isa ang makakaintindi kung bt ko naiisip lahat ng natakbo sa utak ko ngayon.
Puso at utak. Pag pinagsabay mo, lalamunin ka ng sarili mo ng buo. Di mo na nga maintindihan ang sarili mo, lalo na yung iba. Di ka rin nila maiintindihan at wala ka sa listahan ng dapat nilang pagtuunan ng pansin. Mag-isa ka lang pipilit na matapos ang problema mo.
Sa tinanong niya kanina, nalaman kung gano ako kasama. Kung ako ba raw sa kalagayan niya, ano gagawin ko? Ang sagot ko lang, di ako gagawa ng alam kong magdudulot na matapos ang relasyon namin. Dahil mas mahalaga siya ikumpara man sa iba, kahit kanino.
Sa puntong ito, di ko alam kung may kaibigan pa ko kung mababasa nila ito. Inisip ko kanina kung mamatay nga ako, may bibisita pa ba sakin? May makakaisip pa ba? May maglalaan ba ng onting oras na di limos para sakin? May luha pa bang tutulo para sakin? Dahil kahit ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, ayaw. Madrama lang daw kasi ako.
Oo, naulit na naman. Kung matapos man to, di ko alam kung kaya ko pang magmahal o kahit magmahal ng sarili. Nakakapagod. Nakakaubos ng pagkatao. Nakakamatay.
Nalungkot ako. Wala akong kakampi kundi ang sarili ko. Pero pati sa kanya, kay Merryl, gusto kong magalit.