Isla
Noong bata ako? Wala ako masyadong maalala. Isa lang akong ordinaryong bata. Tahimik sa eskwelahan, hindi sikat, ang iniisip lang, paano ako mapapasama sa top 10.
Sana bata na lang ulit ako. Hindi ako masyado umiiyak noon maliban lang kapag pinapagalitan ako. Pero mula noong nagkaisip na ko, mas masakit na bawat pagkakataon na umiiyak ako.
Siguro nga masama akong anak. Ngayon, gusto na lang mamatay hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Gusto ko na lang mamatay dahil wala naman akong kwenta kahit kanino. Sa pamilya ko, sa mga kaibigan, sa mga minahal ko, kahit mismo sa sarili ko.
Hindi ko na mapagkatiwalaan sarili ko sa mga desisyon na nagagawa ko. Akala ko kaligayahan lang ang importante. Pero ano magagawa noon kung mali ang kaligayahan na inaakala ko.
Ang sakit sa loob na kulang ka para sa kahit kanino. Na kahit kailan, kahit anong gawin mo, hindi ka magiging sapat.
Hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay. Sana sa pagtulog ko, hindi na ko muling magising. Galit sa kin ang Nasa Taas, ramdam ko.