Heto na naman
Paano tatakasan ang buhay
Nang di tatapusin ang buhay
Paano tatakasan ang lungkot
Nang di gagawa ng ikakatakot
Paano mawawala
Nang hindi nila mahahalata
Gusto kong tumakbo ng tumakbo
Papunta sa malayong malayo
Malimutan ang paulit ulit na pagkabigo
Ikot ng mundo tila ba'y di na nagbago
Tanging asam ay pagtanggap
Kanino ito mahahanap
Kahit sa sarili ay hinahagilap
Bakit ang iba hindi dito ay hirap
Pagod nang manlimos ng pagmamahal
Pagod nang maging sagabal
Tila hindi naririnig ang bawat dasal
Galit na naman ba sa akin ang Maykapal
Magulang, kapatid, kaibigan
Pasasalamat ay walang hanggan
Huwag isiping nagkulang
Sa sarili ko ako alangan
Saan tatakbo
Saan magtatago
Dalangin ay tuluyan nang maglaho
Walang balak humingi ng saklolo
Bakit ako pinagkalooban ng gantong puso
Kay daling mapagod at sumuko