Takot at Pagmamahal
Araw ay lumipas, nawala sa bilang
Kailan huling nakita ang mga mata
Takot at pagmamahal ay walang hanggan
Mga dahilan kaya ayaw kang makita
Ilang linggo na din ang lumipas
Ngunit tibok sa puso di mapigilan
Tadhana minsan ay marahas
Ibabalik mga sakit na pilit kinalimutan
Lumabas ng kwarto, may ngiti sa mukha
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Mga hakbang patungo sa kanya
Tindig niya bigla ay naalala
Mahabang itim na buhok
Tamang puti ng balat
Galaw na sa puso ay kabisado
Nagdasal, mukha ay wag iharap
Babaeng may suot na salamin
Salamat sa Diyos at ikaw ay nakatalikod
Mabilisang paglakad, daan ay inangkin
Wag sanang pakinggan pusong malakas ang kabog
Hindi sigurado kung ikaw Mahal ang nakita
Mga buwan ay lumipas, ramdam pa din ang kaba
Takot at pagmamahal na hindi mawala-wala
Mga dahilan kaya, hanggang ngayon, ayaw kang makita