Part I

Sakaling dumating ang araw na hinihintay ko, gusto ko lang sabihin na

Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Handa akong ubusin ang lahat sa akin para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Hindi man ako nakikipagusap madalas, walang araw na hindi ko ginustong lumabas ng kwarto at ikwento ko sa inyo lahat ng lungkot na naramdaman ko. Ginusto kong umiyak habang nakayakap sa inyo.

Tatay, mahal kita. Sobrang salamat sa paghatid mo sakin ng walang sawa. Gusto ko ibigay sa inyo ni nanay ang mundo. Hanggat maaari ibinibigay mo sakin lahat ng gusto ko. Mahal na mahal ko kayo ni Nanay.

Nanay, salamat sa lahat lalo na sa pag aalaga, pag asikaso, pagluluto mo ng masasarap na pagkain. Nag aaway man tayo madalas pero tandaan mong dahilan ka para kumapit ako.

Kuya, salamat sa lahat. Alam ko sacrifices mo para sa family, sorry din ng sobra kung selfish ako madalas. Naappreciate nila Tatay at Nanay lahat ng ginagawa mo.

Abey, wag na wag kang lalayo sa pamilya natin. Mahal ka namin kaya nag aalala lang kami sayo lagi. Cliche man pakinggan pero totoo yan.

Lola, sorry kung wala akong time para makipagkwentuhan. Habaan mo pa buhay mo, magpalakas ka para maabutan mo pa baby ni Ninang.

Nene, Mumay, Det. Love kayo ni Ate Nek. Pakabait lagi kayo.

Ninang, hindi ko alam pano magpapasalamat sa lahat. Sobrang laki ng help mo buhay ko. Sineryoso mo yung role na pangalawang nanay. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, ikaw takbuhan ko. Masyado akong spoiled sayo. Salamat Ninang.

Hanggang dito na lang muna. Sakaling magising pa ko bukas, at sa mga susunod na araw, para naman sa mga kaibigan ang isusulat ko. Pero unahin ko na yung pinakamessage ko sa inyo, choose happiness. Parati.

Salamat sa lahat.