Ikaw lamang
Sa araw na walang kasiguraduhan
Hangad lang ay ika'y masilayan
Upang alala at pangamba ay matabunan
Ng mga salitang iyong bibitawan
Sa gitna ng maingay na daan
Katahimikan sa piling mo ang inaasam
Pagod at lungkot ay lumilisan
Tila ba sa tabi mo'y aking tahanan
Sa gabi na ikaw ang nasa isipan
Nais lang ay ika'y mahagkan
Para takot at problema ay makayanan
Ng iyong ngiti at ating tawanan
Hangad lang ay ika'y masilayan
Upang alala at pangamba ay matabunan
Ng mga salitang iyong bibitawan
Sa gitna ng maingay na daan
Katahimikan sa piling mo ang inaasam
Pagod at lungkot ay lumilisan
Tila ba sa tabi mo'y aking tahanan
Sa gabi na ikaw ang nasa isipan
Nais lang ay ika'y mahagkan
Para takot at problema ay makayanan
Ng iyong ngiti at ating tawanan