Alaga

Gusto kong isulat
Ang pagmamahal mong
Hindi ko maisigaw
Dahilan sa hindi ako sigurado
O dahil wala naman talagang sigurado

Gusto kong isigaw
Ang pagmamahal mong
Hindi ko maintindihan
Dahilan sa kakaibang anyo nito
at sa kakaibang pagpaparamdam nito

Gusto kong maintindihan
Ang pagmamahal mong
Sa puso ko lang nakatago
Dahilan sa pangakong taglay nito
At sa pangakong kawalan nito

Gusto ko itago
Ang pagmamahal kong
Naisulat ko na't naisigaw
Dahilan sa takot ng iyong paglaho