Init















Quarantine
Lockdown
Long distance

Di kita mahalikan
Di kita maamoy
Ni di kita mahawakan

Hinahanap ko ang hawak mo
Mula sa kamay, Patungo sa bewang
Paakyat ng dibdib
Pababa sa parte na kilalang kilala mo

Hinahanap ng tenga ko nga bulong mo
Na sa hangin ay sumama, amoy mo'y hinahabol
Na nagdudulot ng
Pagtindig ng balahibo

Hinahanap ko ang halik mo
Mga labing malambot
Dila mong mapaglaro
Halik na nagpapainit ng katawang magkalapit

Oh sinta,
Kailan tayo muli maglalaro
Kailan tayo muli maghahabulan
Kailan tayo muli pupunta sa paraisong
Walang mansanas at ahas ngunit
kagustuhan ng katawan ay mapangahas.