Kaibigan

Bumisita ang aking kaibigan

Ngalan niya ay kadiliman

Karamay sa kalungkutan

Hindi ako iniiwan sa pagkakataong walang katiyakan


Salamat kadiliman

Sa bawat luhang umaagos ng walang hanggan

Sa bawat hikbi na pinakikinggan ng kawalan

Sa bawat tulang bunga ng iyong ngalan


Hanggang kailan itong nararamdaman

Wala bang ibang mahahagkan 

Wala bang ibang magpapatahan

Kundi si kadiliman

Na siya ring dahilan