Kailangan ka

Gusto kita makita

Sa panahong kabubukas palang ng liwanag ng araw
Sa panahong sinarado na ang liwanag ng buwan 

Sa panahong guguhit ng ngiti ang pangyayari
Sa panahong papatak ang luha dahil sa nangyari

Gusto ko nadoon ka

Sa liwanag, sa dilim, sa ngiti, sa luha
Sa mga pagkakataong huhulma ng pagkatao ko

Sa mga pagkakataong babalik balikan ko
Sa mga pagkakataong nakaukit sa pagkatao ko

Gusto ko magkasama tayo

Sa araw kung saan kita ang liwanag ng ating mga ngiti
Sa gabi kung saan luha ang himig ng ating mga yakap

Sa panahong sasabihin natin na, "Tama ngang ikaw"
Sa pagkakataong babanggitin na, "Ikaw lamang ang kailangan"