My Only Man in the World.

I am watching MMK right now. Malamang, Fathers' Day episode yon.

Naguguluhan pa din ako kung kelan talaga Fathers' Day. Ang alam ko 3rd Saturday ng June, sabi ng iba Sunday. Siguro natutulad lang nila kasi Sunday ang Mothers' Day.

Well. Obviously, this post is about this day. Or atleast, about my father, our Tatay.



I never done this before. I want to boast about Tatay to all. When I go drama about him, I will surely go all teary-eyed. 

He is not the typical father. Yung nagtatrabaho sa office. Mag-aabot ng pera sa Nanay every kinsenas. Yung masungit sa anak.

Yung tatay namin, iba. Masiyahin. At alam ng lahat na yun ang pinakagusto ko sa isang tao - may sense of humor. Kaya siguro kami magulo kausap, lalo na si Abey, dahil sa kanya. Haha. Lumaki kami sa mga jokes niya.

Nung malilit palang kami, tricycle driver siya. Isipin niyo hanggang Grade 5 kami, hatid-sundo kami ni Tatay. Nagkasakit si Lolo (sa side ni Nanay) nun, at para makapagdagdag sa gastos ng pagpapagamot, binenta ni Tatay yung tricycle.

Mula nung bata, kapag project na kelangan ng art chever, siya gagawa. Nung Grade 5 ako, sikat ako dahil sa ganda ng project ko sa HELE (Home Economics and Livelihood Education) Kagagawan yon ng Tatay ko.

Siya yung Tatay na hindi nawala sa mga program sa school na kelangan ng magulang/ ng tatay. Naging kaibigan namin siya, kaming magkakapatid.

Kahit highschool graduate lang siya, mataas respeto naming magkakapatid sa kanya. Mahal niya kame, mahal na mahal niya si Nanay. Gagawin niya lahat mapasaya lang si Nanay.

Naging matapat na lingkod din siya ng nasa Taas. Kaya siguro hanggang ngayon, di kami napapabayaan ng Diyos.

Daig pa niya minsan ang Pari kung magsermon, pero di yung makakatulog ka. Hehe.

Hindi ko maimagine buhay namin pag nawala siya. Mahal niya kame, gagawin niya lahat para samin. Ganyan ang Tatay ko. At mahal na mahal ko po siya :)