Almost Unrequited Love

Mga bes, raos ko lang to. Antok na din ako. Pero ayoko na rin kasi to isipin pagkagising ko mamaya. Ayoko na din makipag usap sa tao tungkol dito. Pero gusto ko kasing linawin itong bagay na ito. Well, kahit di naman kailangan.

Alam ko sa sarili ko, hindi ako umasa.

Hindi ako umasa na mamahalin niya rin ako. Eto lang naman ang isyu kapag magmamahal di ba. Kung illove back ka rin. Pero para sakin, hindi siya issue kung pagmamahal lang din naman ang usapan. Sanay naman ako na hindi masuklian ng pagmamahal ko. Dalawa lang yan, either hindi rin ako mamahalin o sobra kasi ako magmahal kaya hindi nila kinayang pantayan.

Umm. Para mejo hindi mahirap ang pagkkwento, let's name him Christian. Hahahaha. 

Ako yung tipong isang tingin pa lang sa tao, alam ko na kung maffall ako or not. Pag nakilala kita, either crush kita agad or sobrang safe mo sakin. Haha. So etong si Christian, since I've known him, alam ko nang crush ko siya, actually alam ng lahat ng crush ko siya. Oh yes. Give away. 

Pero never did I wish or imagine or pray to be with him, na magkatuluyan kame. Never. I have a long list of reasons para pigilan yung naramadaman ko. Kung gaano karami at may sense yung reasons ko to resign, ganon din yung reasons ko not to love him, not to fall for him. Maraming marami. 

Alam ko na kahit siguro magkamilagro na magkagusto rin siya sakin, aayawan ko din bes. Haha. Hindi talaga. Alam kong hindi kami magtatagal. Takot ako sa mga pwedeng mangyari. Masasaktan lang ako sa huli, alam na alam ko.

Eh wala, God knows how I tried not to love, at least, fall for him. Nagising na lang ako, narealize ko kung gaano niya ko kayang saktan. Narealize kong may mali na sa nararamdaman ko. Narealize kong hindi na tama. At ayoko na. 

Alam ko sa sarili kong hindi ako umasa. Alam na alam ko.

Pero di ko naiwasang mahulog. Sabi ko pa naman sa mga sa sarili ko, may talent ka eh, you know how to contol when to fall. Pero sa ikalawang pagkakataon (Batman's first, fyi), hindi ko naiwasan. Sa isang iglap, narealize kong isa na siya mga importanteng tao sa buhay ko, isa na siya mga taong kaya ako wasakin sa iilang salita lang, isa na siya sa mga taong gusto kong angkinin.

Noong natauhan ako, nag isip ako. Hindi pwede ito. Hindi ko na hahayaang mawasak ulit ako dahil sa pag-ibig na yan.

Alam ko sa sarili kong hindi ako umasa.

At siguro yung naramadaman ko na rin ang huling sign para sa tamang panahon na hinihintay ko. Hanggang sa huling pagkakataon, tinry kong i-save ang puso ko. Hindi ako umasa. Nag-resign ako.