Saved

Warning: Not a typical entry written by yours truly

Mahigit limang taon na ata akong di nagkokomunyon.
Mahigit tatlong taon na ata akong di nagsisimba kada Linggo.
Isipin niyo ang dilim na bumalot sa pagkatao ko. 

Pinaka-onti na ang dalawang beses na nagalit ako sa Kanya. Nag-umpisa na natutunan kong magalit sa Kanya noong una kong naranasan ang break up. Doon ako nagumpisang magtanong, bakit ka Niya hahayaan maging masaya kung kukunin lang din Niya ang rason nito?

Nakabangon ako. Nawala yung galit sa puso ko ng ilang buwan. Pagtapos ng isa't kalahating tao, may tao muling kumatok at nagmahal sa akin. Naulit ang mga nangyari, nagalit ulit ako.

Sinong diyos ang hahayaang magdusa ang kanyang nilalang ng paulit ulit? Sobra akong nagalit. Nagbasa ako kagabi ng mga isinulat ko noong panahon na iyon, dilim at galit, wala akong mararamdaman kundi ang mga ito.

Inisip kong mali ang mga panahon na ito. Hindi dapat nangyari kung hinyaan ko lang na Diyos ang gagalaw sa buhay ko. Pilit akong naghahanap ng pagmamahal mula sa ibang tao. Hindi ako nakuntento sa pagmamahal na ibinigay Niya. Ibinigay ang mga bagay na pinilit kong ibigay Niya. Na ibinigay Niya at hinayaan akong matuto. Mabagal pero natutunan kong walang magmamahal sa aking ng higit sa kaya Niyang gawin.

Noong nakaraang Linggo lang ulit ako nagsimba. "Ang Diyos natin ay hindi mapagparusa"

Hindi ako pumapasok ng simbahan, ni hindi ako nagdadasal ng mahabang panahon dahil sa takot ko. Nagalit ako sa Kanya. Sino ako para lumapit sa Kanya para humingi ng tulong para ihaon ang sa kadilimang nararanasan ko? Ilang beses Niyang binuo ang pagkatao tuwing winasak ko ito sa bawat pagpili ko ng mga maling desisyon.

Sa bawat pagdaan ko sa EDSA noon at nakikita ko ang imahe ni Mama Mary, tinatanong ko sarili ko, kailan ako pwedeng bumalik sa Kanya? Galit pa ba Siya sa akin? Tatanggapin pa rin ba Niya ako?

"Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob."
Jeremiah 31:3 
Masaya.

Ang sarap sa pakiramdam na malaman na nakawala ako sa mga panahong kadiliman ang nararamdaman ng puso ko.

* * *

Last Sunday was awesome! 

Asked for Ninang's help, I planned to reset my life, fix everything that I have to. She suggested me to attend The Feast. 

I was scared. It implies that I will go to Church every week, again, after so many years. I also thought that The Feast is same with Victory which is a Non-Catholic. 

Actually, every time I thought of coming back, I considered Victory CF. But it does not give me the comfortableness I was looking for. I do not afford to go to Church half-hearted.

The Feast offers the perfect Sunday I need to have. Meron din siyang Praise and Worship sesh (the only thing I liked sa VCF) It also has the Word and Eucharistic liturgies that assures me that I am still in the same home. No pressure of how will you bring yourself to God. The relationship is just between us two.

I would like to thank K for accompanying me :) Also, she agreed to attend every week. We were awkward at first. Gahd. First time naming magsimba together! Hahaha!

TheOneUpThere knows how to save people, He is definitely the best for it. I'm in the right track, right? :)