WE'RE ON.

Kami na :)

Bakit? Gusto namin. Mutual.

Pano nga ba kame umabot sa ganito?

Una akong umamin na nagmamahal na ko. Sabi niya, nauna daw siya magmahal. Pride lang daw kaya di niya masabe. Pero sigurado akong ako ang unang nagkagusto na maging kami. Natatakot lang. Bakit? Acads. Ayaw niya nun dahil di pa raw siya ganun kasigurado sa nararamdaman niya.

Kinalaunan, gusto niya na rin. Oo, lasing siya nung gabing kinukulit niya ko na kami na daw. Kaso ayoko, natatakot akong may maging kapalit yung kasiyahan na yun at acads ang kapalit nito. 

Bakit April 3?

Unang una sa lahat, acads. Haler. Yun lang naman. Graduating ako. At sinigurado ko munang katotohanan yung status ko na yun. March 30 pa lang, okay na ko sa 3 out of 4 na subjects ko. Hinintay ko ang April 3, release ng standing ng isa ko pang subject. Either magffinals ako o hindi. 

Kabado akong pumunta sa InStat. Though sigurado akong passing ang standing ko. Pagdating ko sa tapat ng room ng Lab Instructor ko, nakita kong di ako exempted </3 Pag consult ko, 75 ang Pre-Fi standing ko! Nadale lang talaga ng 58.5% na Midterm exam. Puchae. At sure pass na :) Hay.

Moreover guys, nung tinanong ko siya kung kelan niya gustong maging kami, single digit lang daw sana ang date :)) At 3 ang birthday niya. Though ayoko ng sabay, okay na yown :D Edi dalwa gift pag December, problema ba yun? :))


Kung gano ko siya kamahal, ganon ako kasaya. Kung gano ako kasaya, ganon ako katakot.

God bless us.