Liyab
Sa pagpatay ng liwanag na nagtataglay ng larawan
ng katawan mong nababalot ng misteryo
Kasabay ang pagbuhay sa init ng katawan ko
na hinahanap ang iyo
Sa paghawi ng nga kurtina upang
masilayan ang mga ilaw ng mga gusali sa labas
Kasabay ang pagpikit ng mga mata
At paglapat ng labi ko saan man sa iyo
Sa pagyakap ng dilim na hatid
ay walang kasigaruduhan
sa mga araw na lilipas pa lamang
Kasabay ang paglahad na ang lahat nang akin ay iyo
At ang paglahad ng pagtitiwala sa iyo
At ang paglahad ng pagmamahal sa iyo
Dahil sa bawat sulok ng malamig na kwartong iyon
ay pagkapaso nating dalwa
dahil sa nagliliyab na puso ko habang yakap ka