Ulan at ikaw

Kasabay ng pagpatak ng ulan
Ang pagtago nitong nararamadaman

Sa katahimikan na bumabalot sa paligid
Pagtibok ng puso ang naririnig

Sa lamig na hatid ng maulang gabi
Init ng yakap mo sa hangin ay hinihingi

Sa dilim ng kwartong ramdam ang pagiisa
Liwanag na mula sa mga mata mo ang nakikita

Sa lungkot na dala ng pangungulila
Saya sa bawat tagpo ang inaalala

Kasabay ng pagpatak ng ulan
Ang pagtila ng mga mata mula sa pagluha

Hindi dahil sa tumigil sa ulan
Kundi dahil patuloy ang pag ulan

Pag ulan ng mga araw na muling magkakasama