Dear Dan (Open Letter No. 2)

Hello,

Dapat talaga hindi ako nagsusulat dito lalo na't may recipient ang entry.

Di ko alam kung gawa ng gamot kung bakit ganito nararamdaman ko o defense mechanism ko na --- manhid. May halong galit. Ang sakit eh. Di ako sanay ng galit.

Masakit pero nakakamanhid.

Yung mga point mo last night, well noted naman.
 Let's not send wrong signals to my family
Pero yung naramdaman ko sa way mo nang pagremind nung point mo, gets mo ba?

Most probably not.

Na-offend ako. Para akong tanga na sinabihan at pinakamuka mo saking 1+1 is 2. Parang napamuka sakin na bakit di ko magets bakit naging 2 yung sagot. Pre, sobrang well noted nung linya --- hindi naman tayo.

Pero wala namang sampalan. I am living in my own reality, not a harsh one. Full of love. Like what you've said, I have created my own image of you. A perfect one. Someone that I am intensely wishing, praying, hoping to be someone who'll stay with me always.

Pero those three words hurt me so much that I cried all the hidden miseries in this relationship. In other words, I cried out because of the truths between us - hindi nga kasi tayo.

Pero what can I do?

Hindi ko magawang magalit, magtampo kahit ilang oras o araw dahil alam kong di mo naman ako susuyuin. Hindi kasi tayo.

Ingat na ingat ako sa demands ko, na feeling ko namamalimos ako ng attention mo na pilit na pilit mong ibigay. Well, kasi hindi nga naman tayo.

Kinakapa ko mararamdaman mo kasi natatakot ako sa pwede mong maramdaman sakin which is definitely not love. Kasi nga, hindi naman tayo.

I don't know if sinasadya mong mahirapan ako sa mga simpleng bagay - either tinetrain mo lang ako gawa ng sakit ko or gusto mong sukuan kita. Kasi hindi mangyayari yung latter, unless you asked for it.

Masakit, oo. Pero choice ko to. Mas mahal pa din kita kesa sa iniyak ko kagabi. Mas mahal pa din kita kesa sa pagkalabo ng relasyon na to. Mahal kita kahit hindi naman tayo.