Pumikit, nabasag, sumulat
01 Sa pagpikit ng mata ng ciudad
02 Narito ang aking mga mata na gising
03 Gising sa mga pakiramdam na hindi kaaya-aya
04 Hindi kaaya-ayang mga pag-iisip
05 Mga pag-iisip na nakakatakot
06 Nakakatakot na para bang lalamunin ako
07 Lalamunin ako ng mga larawang nabubuo
08 Nabubuo sa mundo kung saan madilim
09 Kadilimang kung saan naglilibot ang kaluluwa
10 Kaluluwang naliligaw sa mga panahong tulad ngayon
11 Ngayon na pakiramdam ko ako'y mag-isa
12 Mag-isang naglalakbay sa pagdurusa ng araw-araw
13 Araw-araw nalulungkot
14 Pagkalungkot na ginagamot lamang
15 Mga gamot na hindi maaring kaligtaan
16 Na kapag kinaligtaan ay masisira ang ulo
17 Masisira na parang hindi nakakapag isip ng maayos
18 Maayos lang ay kung ano ang ipinapakita sa iba
19 Ipinapakita lamang kung ano ang gusto nilang makita
20 Gusto ng ciudad ay pumikit na lamang ako
21 Ako ay umiikot lang sa pag iisip na basag
22 Basag na pilit binubuo para sa'yong mahal ko
23 Mahal ko na dahilan para mabuhay
24 Buhay sa aking patay na puso
25 Puso kong alam ang pagmamahal
26 Mapagmahal sa mga taong mahalaga
27 Ako ba ay mahalaga
28 Ako ay pipikit na lamang