Hiram na oras
Patawad
Patawad sa paghingi ng oras mo
Patawad kung lagi kong hinihiling makasama kang umuwi at matulog
Oo, matulog at makasiping ka
Mga pagkakataong nagpapaalala
Na lahat ng ito ay siya ring mawawala
Oo, mas gusto ko yung ganon
Kaysa magkita and magkwentuhan sa Eton
Sa bawat kwento ko tungkol sa trabaho
Mas ramdam ko ang pagaalaga mo
Sa bawat kain natin sa labas
Mas ramdam ko ang paglaan ng oras mo
Sa bawat kita natin sa gitna ng madaming tao
Mas ramdam kong sakin lang nakatingin ang mga mata mo
Sa bawat hakbang sa mga daan
Mas ramdam ko ang kagustuhan mong makasama ako
Sa bawat minutong pakiramdam kong akin ka
Mas ramdam ko ang saya sa puso ko habang kasama ka
Oo, umiiwas at natatakot
Sa pagmamahal na maaari ko pang maibigay
Dahil sa mga alam kong hiram na sandali
Hindi ko na alam kung ano ang gusto
Dahil lumalabo na paningin ko
Wala nang alam maliban ang pagkagusto
Na magkasama ng matagal, ikaw at ako