Anino.
Anino ng nakaraan.
Yung pakiramdam ng ingat na ingat ka sa igagalaw, sasabihin at ipapakita mo. Baka kasi nagagawa mo yung inayawan niya sa huli niyang karelasyon.
Mahirap. Kesa naman siya ang mahirapan. Tapos may mga oras na hindi na ko nasisiyahan sa nararamdaman ko. Pero di pwede. Kesa siya ang hindi masiyahan di ba? Iiwanan niya ko nun. Eh ako, di ko naman siya kaya iwan.
Kaya ko naman 'to. Namaster ko nang magpakamanhid sa mga ganitong bagay.