Gunaw.
Kung di man gugunaw ang mundo bukas,
tuloy pa din ang pagunaw ng mundo ko sa pagpasok ng bagong taon.
Kung gugunaw na nga ang mundo bukas, ano kaya gagawin ko?
Wala. Wala akong maisip. Basta ang gusto ko lang, kasama ko lahat ng taong importante sakin. At siya, hawakan ko lang kamay niya. Kahit may kausap, kachat o katex na iba. Basta kasama ko siya. Kasama ko sila.
Naghihintay ang lahat kung gugunaw nga ang mundo bukas. Basta ako, pagunaw ng mundo ko na naikot sa kanya ang hindi ko hahayaang tuluyang magunaw.
Aasa ako. Sanayan lang 'yan.