Pagkakaibigan.
Sinira ko ba?
Naiisip kong ako ang nakasira ng pagkakaibigan naming apat.
Last year, magkakasama kaming gumala. Pasko eh. Naaalala ko pa mga ginawa namin. Ngayon, kahit gustuhin ko, hindi na mangyayari. Kasalanan ko 'to. Minsan kailangan mo talaga pumili.
Pero ganun ba talaga yun? Kung mamimili ka sa pag-ibig o pag-aaral, pag-ibig o kapangyarihan, pag-ibig o pamilya.. Maiintindihan ko pa. Pero kung pag-ibig o kaibigan? Di ba masyadong mahirap yun? Di ba dapat walang ganung tanong?
Lumabas silang dalwa, niyayaya ko si Y para gumala ngayon. Kaya pala. Bawal na kaming magsamasama. Nakakalungkot masyado. Sobang nakakamiss. Kasalanan ko to.