Teleserye.
Naramdaman niyo na bang mainlove na against all odds?
Mahirap. Tila si Mario na kukunin si Princess Peach, andaming nahadlang. Pero mahal mo eh, papaslangin lahat ng humarang, iuuntog sa pader ang sarili para makakita ng karagdagang lakas at papasukin ang mundong kung san isa kang dayuhan. Ang kinaibahan lang, hindi talaga 'to isang laro, seryosong usapan. Mahirap.
Masaya. Oo naman. Tila yung moment pag nasa stage ka na para kunin ang diploma mo. Alam mo kasing pinaghirapan mo iyon at fulfilling na kaya mong ipagyabang sa iba. At dahilan na rin sa thought na lahat ay may ending, pati yang paghihirap mo, alam mong matatapos. Ang kinaibahan lang, di ka na mag-isa para ituloy kung ano pa ang mga susunod na kabanata. Masaya.
Ganyan talaga. Lagi kong sinasabi, balanse ang buhay. Wag kasi puro lungkot ang tignan sa mga bagay-bagay, laging may bright side ;) Parang pinoy teleserye, puro tayo reklamo sa kwento, pinapanuod din naman :))