Competition.

"Ang sarap mo magmahal e."

How much? Is it enough so you won't leave me like what you did to her?

I am supposed to write an entry about my year. Pero I had a random thought (or not since birthday niya ngayon) of visiting my Ex's blog, baka may bagong post. Hindi kasi ako galit sa kanya, nag-aalala. Alam ko pinagdadaanan niya ngayon. Ika nga, "Been there, done that." Kung may nararamdaman man ako, inis. Gawa ng mga masasamang bagay na sinasabi niya tungkol sakin sa latest Ex niya. Hindi niya alam ang buong kwento. 

So ayun. Wala pa din, pero dahil I am soooooo gorgeous, ay great pala, I found her new blog. And I read all of her posts. Shempre ibabalita ko kay Rae. Bakit? Ewan. Baka kasi ako nun, gusto ko malaman ng Ex ko mga nararamdaman ko sa bawat galaw niya na nalalaman ko. Iniisip ko kasing kelangan niya malaman yun. Para na rin sa both sides.

Weird ang naramdaman ko sa bawat nababasang post niya. Weird na weird. Di ko ma-put into words. Nalulungkot ako na masakit na nakakaguilty na ewan talaga. Baka eto yung sinasabi ni Rae, na mali pag naging kami. Taena. Bt kasi pareho pa Ex namin?

Naiiyak ako. Siguro sa takot na maappreciate ni Rae ang mga post na yun at bumalik na naman kung ano naramdaman niya. Ang hirap. Feeling ko nakikipagkumpetisyon ako na hindi naman, na ayaw kong mangyari. She has her own identity, I have mine. Magkaiba kami.

Di ko alam, natatakot lang akong mawala ka.