Pagmamahal at liham















Dennis, Dan, Beb, Mahal
Ito'y isinulat ng pusong pagal
Sa pagtibok na para sa iyo lamang
Iyo sanang pakinggan

Gusto kong maintindihan mo
Ang nararamdaman para sa'yo
Minsan malungkot, nakakaiyak
Madalas masaya, nakakagalak

Sa bawat pagtakbo ng oras
Hindi ko maitatanggi ang dinaranas
Ng puso kong walang gusto kundi ikaw
Sinta, ikaw ang dasal sa araw araw

Kumplikado man ang sitwasyon
Naiintindihan naman ang rason
Ng mailap mong pagtanggap
Sa aking mga pagyakap

Hiling ko'y pagpasenya mo
Sa mga oras ng pagistorbo
Puso'y di maintindihan, hanap ay ikaw
Tila ba'y nasa dilim at ikaw ang ilaw

Ninanains ang kasiguraduhan
Na wala sa iyong kaalaman
Puso ko'y buo ang tiwala
Isipan ay sayo ipinagbahala

Walang hiling kundi kaalaman
Ng mga bagay patungong kawalan
Pagmamahal ko'y hindi doon pupunta
Habambuhay nakatago sa puso ko, sinta

Mahal kita at alam mo iyan
Sa buhay na ito, ikaw ang inaasam
Iyong pagmamahal ay dasal sa Diyos
Pag ibig mula sa Kanya sa'yo'y ibubuhos