Sining
Ikaw ay isang larawan
Na ipininta ng aking isipan
Sa puso nakasabit
At dito'y malapit
Ikaw ay isang kanta
Na isinulat ng mga matang
Sa iyo lamang nakatitig
At sa iyo lamang iibig
Ikaw ay isang kwento
Na nilikha ng aking laman
Hinaplos bawat letra
At kinapa ang bawat kabanata.
----
Dan: Bakit?
Me: Anong bakit
Dan: Bakit ganyan, kwento
Me: Baka kasi hindi naman talaga tunay yung minamahal ko. Baka yung romanticized version mo ang minamahal ko.