Gala.
Umaabuso ata akong Filipino ang ginagamit kong lengwahe dito. Hahaha.
Lumayo muna tayo sa entry na tungkol sa pag-ibig.
Yung pakiramadam ng dalwang dekada ka ng nabubuhay sa mundo pero pinag-aawayan niyo pa rin ng nanay mo yung gala mo.
Gets ko sila na iniingatan nila ako. Gets ko din na gusto nilang alam nila bawat galaw ko. Gets ko din na wala NA silang tiwala sakin kaya ganun. Magulo pero.. Di ko magets bt di siya napapagod na magalit tuwing gagala ako.
Kaya Elbi ang first choice kong campus.
Di ako galit kay Nanay. Mahal ko siya at alam kong mahal niya ko. Masama lang talaga akong tao. Maraming nakakaalam niyan.