Gising.
Mula sa panaginip na di inakalang matatapos. Mula sa pagkahumaling na hindi matino. Mula sa pangyayaring inakala mong totoo.
Oo. Madalas ko siya makita sa panaginip. Dati. Ngayon, hindi na. Wala na. Gawa siguro ng hindi ko na masyado siya iniisip. Malamang. Ano ako, masokista? Masakit 'pag inaalala, kung hindi ikaw ako. Manhid na kasi. Natutunan kong maging manhid.
Nangyari na ang dapat mangyari, natutunan kong magdesisyon na ihinto na ang kalokohang iyon. Hindi siya karapat-dapat. T*ngina niya. Bading nga ata.
Mahal na kung mahal. Kaso mas mahal ko sarili ko.
Though nalulungkot ako para sa kanya. Nalulungkot ako para sa susunod na babaeng magmamahal sa kanya.