Kasinungalingan.
Minsan nilalahat, minsan tumitingin lang kung ano ang nakasakit ng matindi. Kapag nasabihan ka ng sinungaling, masasabi mo bang masama kang tao? Masasabi mo bang lahat ng ginagawa mo, hindi totoo? Masasabi mo bang walang pagmamahal na nakapaloob sa'yo? Hindi.
Minsan sa kasinungalingan nabubuhay ang tao. Eh kung ito ang magpapasaya sa'yo, bakit hindi ka na lang magpakalunod dito? Kung iisipin mo, walang nakakalungkot dito. Pwera na lang 'pag malaman mo nang hindi totoo ang mga bagay na ito.
Minsan nga, sa katotohanan pa nasasaktan ang tao. Sa sobrang sakit, mas mamahalin mo pa ang mga bagay na hindi totoo. Ilusyon. Panaginip. Kathang-isip. Dahil sa mga bagay na totoo, minsan iisipin mong sana hindi na lang ito nangyari.
Magulo. Oo, magulo ang mga bagay. Pero masisisi niyo ba ko kapag yumakap na lang ako kasinungalingan? Kasinungalingang kung saan ko mararamdaman ang pagmamahal.