Ulan.

Bigla biglang bubuhos. Akala mo walang mapeperwisyo. Kaso minsan, kelangan talagang umulan.

Ulan na tila may ibig sabihin. Pero madalas iisipin mo anong problema ng mga ulap at biglang nagbuhos ng ulan. Lahat kasi may dahilan. Hindi pwedeng wala. 

Minsan malakas. Malakas na akala mo mauulit ang nangyari nung panahon ni Noah. Na lulunurin ang mga tao hanggang mawalan ng lakas. Minsan mahina. Ambon lang. Saktong nairaos ang mga tubig sa ulap.

Pero malakas man o mahina ang ulan, alam nating may epekto pa rin. Lalo na't kung wala kang payong.

May look nonsense.
Rain.