Pang-sampu.

Nung bata ako, kahit ikaw naman siguro, lahat tayo, unang tinuro satin ang pagbibilang ng hanggang sampu. Oo. One to ten kung ayaw mo nang Tagalog. Hanggang sampu. Tapos mamomoblema ka na dahil kulang na yung mga daliri mo dahil di na kaya pag tinuloy pa sa eleven. Nakakatawa. Pag sobra sa sampu, mahirap na.

Parang sem lang yan. Hahahaha. Tenth semester ko na sa Unibersidad. Masaya kung masaya pero kailangan matapos din ang buhay estudyante. Kuntento na ko sa limang taon, sa sampung semestre. Pag sumobra pa sa sampu, mahirap na.

Nakangiti ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit, eh ang natakbo sa utak ko ay huling sem ko na kasi. Di ako excited matapos mag-aral, excited lang ako magtrabaho. Para maiba naman takbo ng buhay ko.

/* Yung feeling na kinakabahan ka habang tinatype 'to dahil baka di mo pa talgang huling sem. Aba. Buhay, tino tino. Hahaha.**/

Huling dream sked. Huling Systemone fever. Huling prerog. Huling pilahan. Huling enrollment.
Matutong makuntento. Tama na yung sampu. Sakto na 'yan Meh.

Related post here.